Status : Verified
Personal Name Camo, Josua Bolso
Resource Title BATA, BATA, PAANO KA BUBULAGA?: Pagsusuri at pagtalunton sa 'bata' sa kasabihan ng Eat Bulaga na "Hangga't may bata, may Eat Bulaga"
Date Issued 18 June 2021
Abstract hahapag sa pag-aaral na ito ang pagpapakahulugan sa kasabihan ng Eat Bulaga na “Hangga’t may bata, may Eat Bulaga” at ang pagsusuri sa kaangkupan nito sa kalidad ng nilalaman (content) ng palabas. Gamit ang critical theory at rhetorical analysis, hihimayin dito ang representasyon at paggamit sa kasabihan pati na ang koneksyon nito sa uri ng tekstong ibinibigay ng Eat Bulaga – ano ba ang ibig nilang sabihin sa “bata”, gaano ba katagal ang “hangga’t may bata”, at iba pa. Kaugnay nito, ipapaliwanag dito mensaheng ipinaabot ng programa sa mga manonood sa paraang katanggap-tanggap sa kanilang pagtingin at paniniwala sa Eat Bulaga bilang isang “ayuda” sa kanilang estadong panlipunan. Sa tulong ng mga binanggit na lapit, susuriin ang lagay ng Eat Bulaga at ang impluwensya nito sa kulturang popular ng bansa na para kay Brugada (2016), bagama’t maka-“masa”, dapat pag-aralan dahil nag-aambag ito ng konsepto ng pagiging isang bansa.
Degree Course Bachelor of Arts in Broadcast Communication
Language Filipino
Keyword Eat Bulaga; Hangga't may bata, may Eat Bulaga; noontime show; kulturang popular
Material Type Thesis/Dissertation
Preliminary Pages
830.74 Kb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
 
Access Permission : Open Access