Status : Verified
Personal Name Manalo, Godwin Noel S.J.
Resource Title Haha, nilaro ang thesis!: kanal at aircon humor sa social media sa Pilipinas
Date Issued 2024
Abstract Umiikot ang pag-aaral na ito sa pagpapakahulugan ng kabataang Gen Z sa kanal at aircon humor sa social media sa Pilipinas. Ang paunang pagkakaintindi sa kanal humor ay marumi’t pangmasa, at sa aircon humor naman ay mabango’t pangmayaman. Ngunit higit pa rito, mainam na problematisahin kung ito ba’y subersibo sa nagkakatunggaling panlasa (subersibo sa nagkakatunggaling panlasa?!) ng iba’t ibang uring panlipunan. Sa ganitong pagkakaunawa, kinakailangang kritikal ang suri sa pagpapakahulugan dito. Kwalitatibo at interpretibo ang metodolohiya ng pag-aaral na nahahati sa dalawa: tematikong pagsusuri sa Focus Group Discussions ng mga Pilipinong kabataang Gen Z at Multimodal Critical Discourse Analysis sa mga social media content na kinikilala nilang kanal at aircon humor. Anudaw, beh? Na-gets mo? Tinalakay na ang pangunahing pagpapakahulugan sa kanal humor ay pagiging marumi, bading, at pangmasa, at sa aircon ay pagiging mabango, hiram, at pangmayaman. Lumitaw rin sa mga teksto ang pagkakaiba nila sa ginagamit na danas bilang materyal ng katatawanan: sa kanal ay paghihirap at sa aircon ay ginhawa. Sa huli, ang pagkakaroon ng kanal at aircon humor — ang social media bilang tambol at daluyan nito — ay nagsisilbing panawagan sa isang transpormatibong ugnayang kultural na maaaring magsimula sa panlasa at katatawanan. And I, thank you!
Degree Course BA Broadcast Media Arts and Studies
Language Filipino
Keyword kanal humor; aircon humor; social media
Material Type Thesis/Dissertation
Preliminary Pages
2.47 Mb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
 
Access Permission : Open Access