Status : Verified
| Personal Name | Junio, Jacklyn Judith B. |
|---|---|
| Resource Title | Babaeng bodybuilder ng Pilipinas: pagsasalarawan sa kasalukuyang panahon |
| Date Issued | 22 July 2024 |
| Abstract | Hindi naiiwasan ang matinding reaksyon mula sa mga tao, kahit pa kapwa babae, kapag nakakakita sila ng babaeng maskulado. Hangad ng pag-aaral na ito ay maging tulay upang mas makilala ang larangan ng female bodybuilding sa Pilipinas at magkaroon ng ibang pananaw ukol sa konsepto ng maskuladong katawan sa mga kababaihan. Sa puntong ito isinagawa ang pag-aaral upang mailahad ang pagsasalarawan ng mga babaeng bodybuilder sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Tinalakay ang mga motibo, hamon at suliranin, at pagbabago sa katawan at katayuan nila (kahulugan, epekto at impluwensya ng bodybuilding). Apat na babaeng bodybuilder ang nagpahayag nang kanilang mga pananaw hinggil sa sariling pangangatawan sa pamamagitan ng interbyu at photovoice. Nakabuo ng mga sumusunod na tema mula sa mga naratibo ng mga babaeng bodybuilder sa Pilipinas: Motibo–Impluwensya at Pagsasakapangyarihan; Hamon at Suliranin-Pamamahala ng mga Personal na Pangangailangan, Social Withdrawal, at Stigma; Pagbabago-Imahe/Pagkilala ng Sarili, Sport at Lifestyle, Tungo sa Perpektong Pangangatawan at Tungo sa Makabuluhang Buhay. Natukoy sa pag-aaral na may nagkakaroon sila ng pagsasakapangyarihan mula sa mga pagbabagong naganap sa kanilang katawan; dahil sa pagbabagong ito nararanasan ang pagkakahon (stereotyping) sapagkat hindi sila sumasang-ayon sa pangunahing katangian at hitsura ng kababaihan sa Pilipinas. Inirekomenda ng tagapagsaliksik na mas magkaroon ng maraming kalahok upang lumawak ang datos at magkaroon din ng isang buong grupo na diskusyon upang maipamahagi sa publiko ang mga naratibo ng mga babaeng bodybuilder sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. |
| Degree Course | Master of Science in Human Movement Science |
| Language | Filipino |
| Keyword | Body Builder; Masel; Barbelista |
| Material Type | Thesis/Dissertation |
Preliminary Pages
2.24 Mb
Category : P - Author wishes to publish the work personally.
Access Permission : Limited Access
