Status : Verified
Personal Name Glenn Gonzales
Resource Title Paglapat sa Panibagong Lupa
Date Issued 13 June 2024
Abstract Ang watercolor ay isang midyum sa pagpipinta na kalimitang ginagamit
bilang pangkulay sa mga surfaces tulad ng tela at papel na may natatanging
katangian na sumipsip ng tubig. Sa pamamagitan nito, nagiging posible ang iba’t
ibang teknik tulad ng paghahalo, pagpapatong ng kulay, at pagdadagdag ng
tekstura na nagreresulta sa iba’t ibang anyo at epekto. Layon ng tesis na ito na
maksimahin ang potensyal ng watercolor sa mga hindi pangkaraniwang paraan,
partikular sa paglalapat nito sa semento na may sukat ng isang miyural. Sa
proseso ng paglikha, gumamit ako ng watercolor ground upang pakapitin ang
kulay sa semento, at fixative upang tiyakin na hindi ito agarang mabubura o
kukupas. Kakabit ng materyal na paggalugad na ito ang pagtalakay sa tema ng
migrasyon na nagbibigay naratibo sa pamumuhay at paglipat ng tao mula sa isang
espasyo patungo sa panibagong espasyo. Partikular na inilarawan ang
pagkakaiba, pagkakapareho, at pagtutugma ng kalagayan ng lupa at mamamayan
sa kalunsuran at kanayunan. Lumabas sa pag-aaral na mayroong kakaibang
reaksyon ang watercolor sa semento. Mabilis na sinipsip ng semento ang
watercolor sa kabila ng makinis na tekstura nito. Dahil dito, naging posible ang
paggamit ng teknik na wet-on-dry at dry-on-dry sa pagpapahid at paghahalo ng
mga kulay nang hindi nawawala ang ninanais na tingkad. Mula dito, napatunayan
ang potensyal sa paggamit ng watercolor sa kakaibang surface bilang makabago

at kakaibang paraan ng pagpipinta na kahalintulad kung paano umaangkop ang
mga tao sa konteksto ng migrasyon.
Degree Course Bachelor of Fine Arts, Studio Arts (Painting)
Language Filipino
Keyword Migrasyon, Watercolor, Semento, Miyural, Artista at Manggagawa.
Material Type Thesis/Dissertation
Preliminary Pages
552.81 Kb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
 
Access Permission : Open Access