Status : Verified
Personal Name Flores, Josiah Celicia D.
Resource Title Sa pagitan: pagpinta ng pira-piraso at sira-sirang bahagi ng espasyo sa biyahe
Date Issued 28 June 2025
Abstract Ang tesis na ito ay tumatalakay sa close-up fragments ng decay ng espasyo na
nagmumula sa persepsyon, emosyon, alaala, at personal na karanasan sa biyahe,
bilang may kakayahang magbitbit ng naratibo ng pagtitiis o endurance sa
transportasyon sa magulong lungsod. Mula sa aking sariling karanasan bilang
komyuter, nakikita ko ang mga sirang bahagi ng espasyo sa biyahe, gaya ng upuan
at ceiling ng dyip, waiting shed, butas na sidewalk, bitak sa kalsada, at mga
dinadaanan at sinasakyan bilang mga bakas ng aktibidad at karanasan ng tao. Ang
mga ito ay repleksyon ng endurance, mga sirang bahagi na patuloy na ginagamit sa
kabila ng hindi pag-ayos sa mga ito. Ginamit ko ang pagpipinta bilang isang act of
noticing o isang paraan ng pagpansin, kung saan ang sariling persepsyon, emosyon,
alaala, at koneksyon ay nahuhubog sa gitna ng pagod at pagtitiis sa biyahe. Sa
pamamagitan ng patong-patong at pinagsama-samang close-up fragments ng
pagkasira sa espasyo sa biyahe, binuo ko ang komposisyon bilang salamin ng
emosyon at alaala ko sa espasyo ng pira-piraso at magulong kalunsuran. Ang serye
ng painting na ito ay hindi lamang nagpapakita ng pisikal na pagkasira. Ang bawat
pahid sa painting ay repleksyon sa emosyonal na pagtitiis at kung paano ang
ugnayan ng katawan, espasyo, at karanasan ay bumubuo ng personal na pag-unawa
sa araw-araw na pagtitiis sa biyahe.
Degree Course Bachelor of Fine Arts in Painting
Language Filipino
Keyword Urban transportation spaces, biyahe, persepsyon o perception, pagkasira o decay, close-up fragments, pagtitiis, endurance, lived experiences, lungsod o urban city, painting.
Material Type Thesis/Dissertation
Preliminary Pages
249.95 Kb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
 
Access Permission : Open Access