Status : Verified
Personal Name Ides Josepina D. Macapanpan
Resource Title WINALA: Ang Dialektiko ng Espasyong Inokupa, Inookupa, Ookupahin ng mga Winala, Nawawala, Nawalan (Isang Pag-aaral at Installation Art)
Date Issued 28 May 2026
Abstract Matapos ang limang dekada, muling nakabalik sa estado poder ang mga Marcos, samantalang humigit-kumulang dalawang libong kritiko ng estado ang nawawala mula panahon ni Ferdinand Marcos, Sr. at Batas Militar. Sa nagpapatuloy na pagdukot at pagkawala, ang kawalan ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga desaparecidos ay sumisimbulo hindi lamang sa pagkawala ng katawan kundi sa presensya ng lantarang pasismo ng estado at kawalang katarungan. Paano isinasalarawan sa installation art ang dialektiko ng espasyong inokupa/inookupa/ookupahin ng nawala/nawawala/nawalan at ng tunggalian ng uri at kapangyarihan?
Gamit ang sining ng installation art, sinisilip sa pag-aaral na ito ang espasyo na inokupa/inookupa/ookupahin nilang mga winala, nawawala, nawalan. Isinasaalang-alang sa pag-aaral na ito ang konsepto ni Henri Lefebvre (1974) na ang espasyo ay hindi kailanman nyutral at laging nakabatay sa dialektikong relasyon ng espasyo, lipunan, at kapangyarihan.
Sa porma ng installation art at ng dinamikong relasyon nito sa espasyo ng pagtatanghal, magsisilbing paghahanap sa nagpapasikot-sikot na mga landas hanggang sa matunton sa wakas ang sentro ng kapangyarihang pampulitika ng estado na nagtatakda ng sasapitin nilang mga winala/nawawala/nawalan. Sa pagtatapos, ito ay testamento ng patuloy na paghahanap at pagpapaalala sa kalagayan nilang winala/nawawala/nawalan, habang nililikha ang lipunan kung saan wala nang magiging biktima ng sapilitang pagkawala.


Ang mga kaso ng Desaparecidos ay hindi simpleng mga kaso ng pagkawala--ang mga ito ay salamin ng nagpapatuloy na materyal at ideolohikal na tunggalian sa pagitan ng makapangyarihan at mapagsamantalang mga kasangkapan ng estado at ng mamamayang nakikibaka para sa katarungan at kapayapaang panlipunan. Hindi matatapos ang mga kaso ng sapilitang pagkawala hanggang nananatili ang kaayusan at sistemang nagtataguyod nito at hindi nakakamit ang panlipunang hustisya. Hindi matatapos ang paghahanap sa mga nawawala dahil ang kawalan ng
Degree Course Master of Fine Arts
Language Filipino
Keyword Space, Class Struggle, Desaparecidos, Installation Art, Social Realism, Protest Art
Material Type Thesis/Dissertation
Preliminary Pages
954.32 Kb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
 
Access Permission : Open Access