Status : Verified
Personal Name Santiago, Glori Stephani Rossini S.
Resource Title Mga damdamin ng mga gumagamit ng silid-aklatan sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Date Issued 30 May 2018
Abstract Sa ngayon, mahigit 90 na kahulugan ng damdamin o emosyon na naging basehan ng mga tao. Simula ng pag-aralan ni Charles Darwin and tungkol sa ekspresiyon ng emosyon sa mga tao at hayop noong 1872, marami nang pag-aaral ang ginawa upang alamin at tuklasin ang nararamdaman ng bawat isa. Ngunit ang mga ito'y pawang mga pang-Kanluraning konteksto at metodo sa pagsusuri tungkol sa damdamin. Kaya naman ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang mga damdamin ng mga gumagamit ng silid-aklatan sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Dagdag pa rito, alamin din ang mga dahilan ng kanilang nararamdaman base sa mga sumusunod sa sitwasyon sa silid-aklatan: 1.) bago pumasok o planong pumunta ng silid-aklatan 2.) habang nasa silid-aklatan 3.) pagkaalis sa silid-aklatan 4.) pakikisalamuha sa mga laybraryan at iba pang empleyado sa silid-aklatan 5.) koleksiyon ng silid-aklatan 6.) espasyo at kapaligiran ng silid-aklatan at 7.) teknolohiya mayroon and silid-aklatan. Sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay gumagamit ng kwalitatibong metodo ng pananaliksik sa pamamagitan ng Focus Group Discussion sa pagkalap ng datos. Naging basehan din ang katutubong metodo mula sa iskala ni Santiago at Enriquez tulad ng pakikiramdam, pakikipagkwentuhan, at pakikisalamuha. Ginawang batayan ang nasabing katutubong metodo upang makamit ang maka-Pilipinong pananaliksik sa patangkang pagtuklas ng damdamin ng mga Pilipino. Ang FGD ay ginawa sa loob ng dalawang buwan sa 21 kalahok na mabuti sa tatlong grupo: mga mag-aaral na kalahok mga empleyado/propesor na kalahok at mga outside researchers. Base sa mga datos na nakalap mula sa mga tugon ng mga kalahok, ang mga resulta sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod: 1.) ang mga empleyado/propesor na kalahok ay kadalasan na nakakaramdaman ng negatibong damdamin sa mabagal at mahirap na koneksiyon ng internet sa silid-aklatan at ang liit o sikip ng lugar ng silid-aklatan 2.) positibo naman ang kabuoang nararamdaman ng mga mag-aaral na kalahok partikular na s
Degree Course Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; Master of Library and Information Science
Language Filipino
Keyword Pagpapabibliyotekaryo; Pakikiramdam; Silid-aklatan; Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Material Type Thesis/Dissertation
Preliminary Pages
306.44 Kb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
 
Access Permission : Open Access