Status : Verified
Personal Name Ringor, Abigail A.
Resource Title Promosyon ng Filipino bilang wikang pambansa : ang mga karanasan ng University of the Philippines Main Library
Date Issued October 2012
Abstract Bilang isang sektor ng edukasyon at nasasakupan ng national university, mahalagang alamin kung paano nakikiisa ang UP Main Library sa pagiingat at promosyon ng wikang Filipino. Kaya nilayon ng pag-aaral na ito unawain ang nagiging mga pamamaraan ng nasabing aklatan sa pagtugon sa layuning pang-nasyonal na ang wikang pambansa ay patuloy na maingatan.

Upang ito ay magawa, sinisiyasat ang mga estratehiya, koleksiyon, badyet at mga batas na umiiral sa Aklatan. Inalam din ang nagiging pagtanggap ng administrasyon at kawani hinggil sa kanilang pakikiisa sa promosyon ng wikang Filipino batay sa kanilang propesyon bilang isang laybraryan. Naging saklaw ng pag-aaral ang apat na seksiyon ng Aklatan. Ang Silid Sangguniang Pangkalahatan, Silid Agham Panlipunan, Silid Filipiniana Serials at Silid Filipiniana.

Sa pamamagitan ng arkaybal na pagsasaliksik ang may pinakamalaking responsibilidad sa promosyon ng wikang Filipino. Sa pagsusuri sa mga koleksiyon, ang seksiyong ito ang may pinakamakahulugang bilang ng mga aklat na tumatalakay at makakatulong sa pagpapakilala at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Maging ang mga kawani ng silid na ito ay malinaw ang paniniwalang sila ang dapat na pangunahin sa nasabing promosyon. Gayunpaman, ang ibang mga dibisyon ay nagsisikap din na makabahagi sa promosyong ito ngunit nananatiling ang kanilang operasyon ay alinsunod sa kani-kaniyang pangunahing layunin ng bawat seksiyon.

Sa kabuuan, pinaniniwalaang bilang nasasakupan ng national university, nagsisikap ang pamahalaan ng UP Main Library na maging kaagapay sa pagsasakatuparan ng layuning pambansa na ang wikang Filipino ay maipakilala at maipalaganap hindi lamang sa bawat estudyante ng unibersidad kundi sa kabuuan ng bawat potensyal na konsyumer nito.
Degree Course Bachelor of Library and Information Science
Language Filipino
Keyword Filipino language; Publicity; University of the Philippines Main Library
Material Type Thesis/Dissertation
Preliminary Pages
184.78 Kb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
 
Access Permission : Open Access