Status : Verified
| Personal Name | Peckley, Silahis O. |
|---|---|
| Resource Title | Mga karanasan ng magulang sa paghuhubog sa bata sa konsepto ng responsibilidad |
| Date Issued | 18 December 2018 |
| Abstract | Nilayon ng kuwalitatibo at deskriptibong pananaliksik na ito na siyasatin ang karanasan ng mga magulang sa paghuhubog sa bata sa konsepto ng responsibilidad. Gamit ang case study, kinapanayam ang sampung magulang mula sa limang pamilya, kung saan ang mga panganay na anak ay 13-15 na taong gulang at parehong magulang ay magkasama sa iisang sambahayan at may kanya-kanyang karera. Sa pamamagitan ng kanilang mga kuwento, inalam at sinuri ang kanilang mga pananaw at saloobin patungkol sa responsibilidad, at ang mga ginamit nilang pamamaraan sa paghuhubog sa bata. Tinukoy at siniyasat rin ang mga nakatutulong at hindi nakatutulong sa paghuhubog na ito. Sa paulit-ulit na pakikinig ng mga panayam at pagbabasa ng mga pagsasalin, lumitaw ang mga pangkalahatang paksa, tema at kategorya na maaaninag mula sa lahat ng panayam. Hinanap rin ang mga sipi na naglalarawan sa mga natukoy na paksa, tema at kategorya. Sa dulo ay tinahi ang lahat ng mga ito kasama ng mga nasuring teorya at pag-aaral tungkol sa responsibilidad upang makabuo ng kalahatang ulat. Lumitaw sa pag-aaral na sinasalamin ng mga pamamaraang ginagamit sa paghuhubog sa bata ang mga pananaw at saloobin tungkol sa responsibilidad. Sa mga pamilyang pinapahalagahan ang pagsunod, paggalang at awtoridad, gumagamit ng mga pamamaraan tulad ng pag-uutos at pagpapagalit. Para sa mga pamilyang may maka-Kanluraning pananaw sa responsibilidad—tulad ng pag-iisip para sa sarili at pagharap sa mga bunga ng sariling asal at desisyon—ginagamit naman ang mga pamamaraan ng paghahaya sa bata. Kapuna-puna na mas mataas ang naabot na antas ng pag-aaral ng mga pamilyang mas maka-Kanluranin ang pananaw sa responsibilidad. Sa karamihan ng mga pamamaraang ginagamit, aktibo ang partisipasyon ng bata sa pagsasagawa ng pamamaraan at magkabilaan ang direksyon ng paghuhubog, o kapwa magulang at bata ay maaaring may naiaambag sa pamamaraan. Karamihan rin sa mga pamamaraang tinatanaw bilang nakatutulong sa paghuhubog sa bata sa konsepto ng respon |
| Degree Course | Master of Family Life and Child Development |
| Language | Filipino |
| Keyword | Parent and child--Philippines; Responsibility in children--Philippines; Filipino family |
| Material Type | Thesis/Dissertation |
Preliminary Pages
745.62 Kb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
Access Permission : Open Access
