Status : Verified
Personal Name Naguit, Reynaldo S.
Resource Title Pagtuturo ng nasyonalismong Pilipino sa batayang edukasyon sa integratibong pamamaraan
Date Issued March 2011
Abstract Ang pag-aaral na ito ay alay sa kaluwalhatian ng Panginoong Hesus, ang tunay na Dakilang Guro at pinagbubukalan ng lahat ng uri ng karunungan. Sa mga kapwa-guro na nagtuturo, lumilinang at patuloy na naghahanap ng pamamaraan upang sa pamamagitan ng edukasyon ay makapag-ambag sa paghubog at pagbuo ng bayan para sa inaasam na kaunlaran at ganap na katatagan . Sa mga mag-aaral na sa darating na panahon ay maaring maging mga gurong tagalinang ng murang kaisipan ng mga kabataan at pinunong papanday ng kinabukasan. Sa inyo inaaalay ang pagpupunyaging ito. Ito nawa ay makapagdagdag-kaalaman, makapukaw ng damdamin, at makapagbunsod ng nararapat na pagkilos tungo sa pagkakaisa at pagtataguyod ng mga aksyong makabubuti sa mga Pilipino. Kay Ernilyn, ang maganda at mapagmahal kong kabiyak, karamay sa hirap at ginhawa at kina Kathleen Joy, Jeremy. Rayleen Joy, Mia Pauleen, mga inspirasyon at lakas sa aking paglalakbay sa buhay na ito...

Tinukoy na pangkalahatang suliranin ng pag-aaral na ito ang katanungang “Paano ma-iintegreyt ang nasyonalismo sa iba’t ibang asignatura sa batayang edukasyon? Nilayon ng pag-aaral na (1) saliksikin ang pagkaunawa ng mga kalahok sa konsepto ng nasyonalismo: (2) alamin ang mga salik na humubog sa kanilang pagpapakahulugan sa nasyonalismo at gayon ang kanilang pananaw tungkol sa integrasyon ng nasyonalismo sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura sa batayang edukasyon bilang basehang pagpapahalaga o core value na isinusulong ng 2002 Basic Education Curriculum (BEC); at (3) suriin kung may kahandaan ang mga guro sa integrasyon ng nasyonalismo sa mga aralin. Pinakamahalagang bunga t?ir_l_g_a ng pag-aaral
na ito ang pagbalangkas ng isang panukalang Gabay sa Pagtuturo na naglalayong magbigay-patnubay sa mga guro tungkol sa paggamit ng mga malikhain at interaktibong istratehiya sa integrasyon ng nasyonalismo sa mga araling kanilang itinuturo.
Idinaos ang pag-aaral sa dalawang paaralang sekundarya, isang pampubliko at isang pampribado. Naging kal
Degree Course Social Studies Education (Doktor ng Pilosopiya sa Edukasyon)
Language Filipino
Keyword nationalism and education, nationalism, interdisciplinary in education, curriculum planning
Material Type Thesis/Dissertation
Preliminary Pages
22.76 Mb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
 
Access Permission : Open Access