Status : Verified
| Personal Name | Rebadolla, Louis Justin "Kahel" J. |
|---|---|
| Resource Title | PINAGBUKLOD NG ADBOKASIYA: Pag-oorganisa at pakikibaka ng mga samahang pampamayanan para sa HIV tungo sa inklusibo at positibong bukas |
| Date Issued | May 2026 |
| Abstract | Sa kasalukuyan, patuloy ang paglala ng epekto ng HIV at ang pagtaas ng bilang ng mga taong apektado nito sa lipunang Pilipino. Ipinapakita ng mga naunang pananaliksik na nakatuon pa rin ang pagtugon sa aspektong pangkalusugan, habang napapabayaan ang panlipunang dimensyon ng HIV, na lalo pang nagpapalala sa epekto nito. Sa kabila ng mga programa at pananaliksik, nananatiling limitado ang pananaliksik sa karanasan at kolektibong pagkilos ng mga apektadong tao at pamayanan. Tinutugunan ng pananaliksik na ito ang puwang na ito sa pamamagitan ng pagtatampok sa kanilang kuwento at karanasan, at ipinapakita kung paano nagiging daluyan ng kapangyarihan, kamalayan, at pag-abante ng pagtugon sa HIV ang pag-oorganisa at kolektibong aksyon. Nakapundasyon ang pananaliksik sa kwalitatibo at exploratory na pamamaraan, kung saan itinampok ang sampung (10) samahang pampamayanan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at tatlong (3) indibidwal na may direktang ugnayan sa mga ito. Nakalap ang datos sa pamamagitan ng tsikahan at litratalk, at sinuri gamit ang tematikong at komparatibong pagsusuri. Lumitaw sa pananaliksik na ang pag-oorganisa ng mga tao at pamayanan ay nakaugat sa kanilang personal at kolektibong karanasan sa HIV. Dahil dito, pinili nilang kumilos upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan at ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ipinapakita ng pag-aaral na ang tao at pamayanan ang sentro ng epektibong pagtugon sa HIV. Binibigyang-diin din nito na ang pag-oorganisa ay mahalagang salik sa pagpapaunlad ng pambansang pagtugon at sa pagpapalakas ng boses ng mga taong apektado. Sa huli, ang sama-samang pagkilos ng mga taong apektado ang nagbibigay mukha at buhay sa datos at nagsisilbing tulay tungo sa mas inklusibo at positibong bukas. |
| Degree Course | Master sa Pagpapaunlad ng Pamayanan |
| Language | Filipino |
| Keyword | HIV, Pag-oorganisa |
| Material Type | Thesis/Dissertation |
Preliminary Pages
389.51 Kb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
Access Permission : Open Access
