Status : Verified
| Personal Name | Balance, Marivic V. |
|---|---|
| Resource Title | MULA SA PEDAL PATUNGO SA PAG-UNLAD: PAG-UNAWA SA KARANASAN NG KABABAIHAN AT KANILANG PARTISIPASYON SA SAMAHAN NG MGA PADYAK DRAYBER SA LUNGSOD NG NAGA, CAMARINES SUR |
| Date Issued | June 2026 |
| Abstract | Isa ang Lungsod ng Naga sa Camarines Sur, Bicol sa mga masiglang syudad ng Pilipinas. Mayaman ang kultura; kilala sa mga magagandang polisiya at programa ng lokal na pamahalaan. Sa kabila nito, may mga sektor pa rin sa lungsod na araw-araw na pinapasan ang kahirapan at sistemang patriyarkal. Isa rito ang mga babaeng padyak drayber. Matapang silang tumutugon sa pangangailangang pangkabuhayan sa kabila ng iba’t ibang mukha ng diskriminasyon. Sinusuri ng pananaliksik na ito ang kanilang karanasan sa pamamadyak at pakikilahok sa mga samahan upang mabigyang-boses ang kanilang sektor sa pormal na adbokasiya. Tumuntong ang mananaliksik sa kumbinasyon ng ilang mahahalagang konsepto na nakaugat sa interseksyunalidad o intersectionality (Crenshaw, 1991), mobility justice (Sheller, 2018), at transport justice (Martens, 2017) para usisain ang sitwasyon, danas, pangarap, at pagkilos ng 15 babaeng padyak drayber sa Naga. Iniugnay ang mga ideyang ito sa balangkas nina Fraser (2005) at Rivera (2018) na nagbibigay diin sa halaga ng pamamahagi (redistribution), pagkilala (recognition), at pagrepresenta (representation) bilang sandigan ng malalim na pag-unawa sa sitwasyon, pangarap, at pagkilos ng mga babaeng padyak drayber sa Naga. Ang mga kababaihang padyak drayber sa Naga ay maituturing na mga "mid-life breadwinners" na pumapasada sa gitna ng patung-patong na pasanin (multiple burden) at diskriminasyon upang matiyak ang pagkain (food security) at edukasyon ng kanilang pamilya. Sa kabila ng pagiging "invisible" sa mga tradisyunal na polisiya at programa, ang kanilang paghawak sa manibela ay paggiit ng awtonomiya sa isang industriyang dominado ng kalalakihan. Gayunpaman, ang mga sistematikong hadlang tulad ng korapsyon sa prangkisa at patronage politics ay nagpapanatili sa kanila sa isang pamamaraan ng pakikibaka at istruktural na kawalan ng katarungan. Ang pagtugon sa mga balakid na ito, kasabay ang pagkilala sa kanilang ambag at redistribusyon ng kapangyarihan, ay kritikal u |
| Degree Course | Masterado sa Pagpapaunlad ng Pamayanan |
| Language | Filipino |
| Keyword | Kababaihan, Padyak Driver |
| Material Type | Thesis/Dissertation |
Preliminary Pages
377.64 Kb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
Access Permission : Open Access
