Item Details

Status : Verified
Personal Name Peña, Romeo Palustre
Resource Title Naratibo ng lubi sa ating gunita ang industriya ng niyog sa panitikan at kasaysayang Pilipino 1940-2018
Date Issued June 2020
Abstract Pagsasakasaysayan ng industriya ng niyog sa Pilipinas mula 1940 hanggang 2018 ang pinakapakay ng pag-aaral na ito. Taong 1940 pininsala nang husto ng mga Amerikano ang industriya ng niyog sa Pilipinas sa pamamagitan ng politikal na pagkontrol at panghihimasok sa industriya. Gumawa sila ng paraan para mapigilan ang tuloy-tuloy na pag-unlad nito sa pamamagitan ng pagpapataw ng quota, export tax at excise tax sa mga iniluluwas na produktong mula sa niyog sa Pilipinas. Ang mga ipinataw na quota at mga tax ng mga Amerikano ang nagdulot ng pagbagsak ng presyo ng kopra at pagbagsak ng industriya ng niyog na ang pinakamalala ay noong 1940 (1.6 cents per pound). Samantala, taong 2018 ang naitalang pinakabagsak na presyo ng niyog mula 1,399 dolyar tungong 976 dolyar kada metrikong tonelada. Sataong ito naglabas ang Philippine Coconut Authority (PCA) ng pahayag hinggil sa hindi mapigil na pagbagsak ng presyo ng niyog ngunit sa taong ito idinaos ang 1st World Coconut Congress 2018 na ginanap sa Pilipinas.

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang mga paggunita sa industriya ng niyog sa mga naratibong mula sa mga oral na panitikan (bugtong, salawikain at awiting bayan) at mga naratibong pangkasaysayan at pampanitikan mula taong 1940 hanggang 2018 at mula rito’y makapaglatag ng mga ideya at mungkahi na makatutulong sa pagpapatatag ng industriya ng niyog sa hinaharap. Ang inangklahan ng pag-aaral na ito bilang batayang teoretikal at konseptuwal ay ang magkakakawing na mga ideya nina Rolando Tolentino, Ramon Guillermo, Vicente Villan, Jacques Le Goff, Virgilio Almario, Paul Ricoeur at Michel Foucault. Mula sa lente nina Tolentino at Guillermo na ang akdang pangkasaysayan ay maaaring magbigayliwanag at ang pagsulat ng kasaysayan ay paglikha ng mapa ng kaisipan at pagkilos ng pamayanan tungo sa gampanin ng gunita bilang hugutan ng kasaysayan nina Villan, Le Goff at Almario hanggang sa konsepto nina Ricouer at Foucault sa pinakamahalagang gampanin ng pagsulat
Degree Course Ph.D. in Philippine Studies
Language Filipino
Keyword Industriya ng Niyog; Niyog/Lubi; Oral na Panitikan; Naratibong Pangkasaysayan/Pampanitikan; Agrikultura sa Pilipinas; Bondoc Peninsula
Material Type Thesis/Dissertation
Preliminary Pages
1.63 Mb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
 
Access Permission : Open Access