Status : Verified
| Personal Name | Dumrique, Aljean |
|---|---|
| Resource Title | "Massaleg a Bolos: Pag-Ewes ne Pegtaanan ne Dumaget Remontado de Seteo Kabooan, Berangay Podoy, Rodriguez, Rizal Paago de Peboot Natarema" = Masiglang Bolos: Pagkilos ng Pamayanang Dumagat Remontado sa Sitio Kabuoan, Barangay Puray, Rodriguez, Rizal Tungo sa Kanilang Hinahangad na Pag-unlad |
| Date Issued | May 2018 |
| Abstract | Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa isang pamayanan ng mga Dumagat Remontado sa Sitio Kabuoan, Barangay Puray, Rodriguez, Rizal na mayroong layuning mailarawan ang Bolos; masinop ang mga inisyatiba, pagkilos, programa at tulong suporta; at malaman kung paano kumikilos ang mga naturang katutubo sa pagpapasigla ng kanilang katutubong wikang Bolos. Ang pananaliksik ay isang ‗qualitative research‟ na gumamit ng ‗case study‟ bilang pamamaraan sa pagsasagawa nito. Mayroong 19 na naging kalahok na hinati sa tatlong grupo na puro Dumagat Remontado at isa sa mga ito ay isang gurong tagalabas ng pamayanan. Ayon sa naging resulta, hindi pa gaanong mailarawan ang Bolos dahil hindi pa ito naidodokumento nang maayos, mayroon nang mga iba‘t ibang inisyatiba at pagkilos ang mga Dumagat Remontado sa pagpapasigla ng Bolos na masasalamin sa kanilang nagawang pampamayanang pagpaplano, ngunit wala pang programa at tulong suporta na nakatuon para dito. Naibahagi rin ng mga kalahok na kailangan ang kanilang pagkakaisa, pagtutulungan at pakikilahok sa mga inisyatiba at pagkilos upang magkaroon ng pangmatagalan at sustenableng pagpapasigla ng Bolos. Natuklasan na ang pagpapasigla ng katutubong wikang Bolos, na tanda ng kanilang identidad bilang mga katutubo, ay isang paraan upang makamit ng mga Dumagat Remontado ang hinahangad na pag-unlad ng kanilang pamayanan. Ang patuloy na pagkilos, paglahok at pagsulong ng mga Dumagat Remontado sa pagpapasigla ng Bolos katuwang ang mga ‗stakeholders‟, tulad ng mga pampamayanang manggagawa at lalo na ng pamahalaan bilang ‗duty bearer‟, ay kinakailangan upang makamit nila ang pag-unlad na ayon sa kanilang konteksto at hangarin |
| Degree Course | Master of Community Development |
| Language | Filipino |
| Keyword | indigenous people |
| Material Type | Thesis/Dissertation |
Preliminary Pages
598.69 Kb
Category : F - Regular work, i.e., it has no patentable invention or creation, the author does not wish for personal publication, there is no confidential information.
Access Permission : Open Access
